Biyernes, Nobyembre 20, 2015

Ang Sampung Bagay na Nagpapawalambisa ng Pagkamuslim

Ang Sampung Bagay na Nagpapawalambisa ng Pagkamuslim  

ni Imam Muhammad bin Abdulwahhab رحمه الله

Sa mga pangalan ng Allah, si Rahman ang mahabagin, si Rahim ang maawain
  Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay natatangi sa Allah تعالى, ang kanyang pagpupuri at kapayapaan ay mapasa Kanyang kahuli-hulihang Propeta at maging sa kanyang pamilya at mga kasamahan at sa sinumang tumatahak sa kanyang gabay.
  Iyong pakaalamin bilang isang muslim, na isang kautusan mula sa Allah تعالى sa lahat ng mga nilalang na pumasok at pumailalim sa relihiyong Islam at panghawakan ito nang maigi at lumayó sa mga nakakasira rito. Ipinadala ang Propeta صلى الله عليه وسلم upang manawagan at umanyaya sa relihiyong ito. At sinabi ng Allah تعالى na sinuman ang tumugon dito ay tunay na nagabayan at sinuman ang tumanggi rito ay tunáy na naligaw. At nagbigay ng mga babala hinggil sa nagpapawalang-bisa ng pagka-muslim tulad ng pagtatambal at mga uri nito. At nabanggit ng mga paham na eskolar ng Islam sa kanilang akda hinggil dito na kung saan ang muslim ay maaaring lumabas sa kanyang pagiging muslim sa pamamagitan ng mga bagay na nagpapawalang-bisa ng Islam (Nawa-qidhul Islam). At ang pinakamaselan at madalas na nangyayari ay itong mga  sampung bagay na tinalakay ni Imam Muhammad bin Abdulwahhab رحمه الله at iba pang mga eskolar bukod sa kanya. At ang mga ito ay ating babanggitin para sa iyong kaalaman sa maikling mensaheng ito upang iyong maiwasan at maipamahagi sa iba at kanila ring maiwasan nang may paghahangad na ika'y mapangalagaan at maproteksiyunan mula sa mga bagay na ito.
Ang una: Ang pagtatambal sa pagsamba sa Allah  تعالى  (Shirk)
Sinabi ng Allah  تعالى  :
إِنَّ اللَّهَ لَا يَغْفِرُ أَنْ يُشْرَكَ بِهِ وَيَغْفِرُ مَا دُونَ ذَٰلِكَ لِمَنْ يَشَاءُ ۚ وَمَنْ يُشْرِكْ بِاللَّهِ فَقَدِ افْتَرَىٰ إِثْمًا عَظِيمًا
[سورة النساء 48]
  Sa malapit nitong pakahulugan: “Katotohanan, hindi papatawarin ng Allah تعالى   ang sinumang magtambal sa pagsamba sa Kanya, ngunit Kanyang patatawarin ang anumang kasalanan ( liban sa pagtatambal ) ng sinuman na Kanyang nanaisin.” (4:48)
At Kanya ring sinabi:
إِنَّهُ مَنْ يُشْرِكْ بِاللَّهِ فَقَدْ حَرَّمَ اللَّهُ عَلَيْهِ الْجَنَّةَ وَمَأْوَاهُ النَّارُ ۖ وَمَا لِلظَّالِمِينَ مِنْ أَنْصَارٍ
[سورة المائدة 72]
   Sa malapit nitong pakahulugan: “ Sinuman ang magtatambal sa Allah تعالى  , katunayan ay  ipagbabawal ng  Allah تعالى  sa kanya ang paraiso bilang kanyang tahanan at ang kanyang magiging tahanan ay ang apoy ng Impiyerno, at walang sinuman ang magliligtas sa mga yaong mandaraya.” (5:72)
  Gayundin kabilang sa pagtatambal, ang pag-aalay sa iba bukod pa sa Allah    , tulad ng pag-aalay sa mga espiritu (jinn) o sa mga libingan.
Ang pangalawa: Ang sinuman ang magtalaga ng tagapamagitan (sa pagitan niya at ng Allah تعالى) upang manalangin sa kanila o humiling ng pamamagitan (Shafa-‘a) sa kanila, at magtiwala (Attawakkul) sa kanila sa kanilang kakayanan ay kanya nang tinalikuran ang pananampalatayang Islam. Ito ang pinagkaisang kasunduan ng mga pantas (iskolar) na muslim.
Ang ikatlo: Ang sinumang di-sumang-ayon na ang mga atiyesta o mga nagtatambal sa Allah ay di-mananampalataya o may pag-alinlangan sa kanilang kawalan ng pananampalataya (kufr) o naniniwala na ang kanilang pamamaraan ng pamumuhay (relihiyon) ay tama, ay kanyang napawalang-bisa ang kanyang pagka-muslim.
Ang ika-apat: Ang sinumang naniniwala na ang patnubay ng iba ay higit na ganap o mahusay kaysa sa patnubay (sunnah) ni Propeta Muhammad  صلى الله عليه وسلم  , at naniniwala na ang batas ng iba ay nakakahigit kaysa sa batas na dala ng Propeta صلى الله عليه وسلم, tulad ng iba na higit na ninanais ang batas ng mga namumuno (Attawa-geet) kaysa sa batas ng Propeta صلى الله عليه وسلم ay kanyang napawalang-bisa ang kanyang pagka-muslim.
Ang ika-lima: Ang sinuman na kasuklaman/tanggihan/talikdan ang alinman sa mga katuruan ng Propeta صلى الله عليه وسلم, kahit na ito ay kanyang isinasagawa; samakatuwid ay kanyang napawalang-bisa ang kanyang pagka-muslim. Ito ang pinagkaisang kasunduan ng mga paham na pantas ng mga muslim.
Bilang katibayan, sinabi ng Allah  تعالى   :
(ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ كَرِهُوا مَا أَنْزَلَ اللَّهُ فَأَحْبَطَ أَعْمَالَهُمْ)
[سورة محمد 9]
  Sa malapit nitong pakahulugan, “Iyan ay dahil sa kinamuhian nila ang anumang ipinahayag ng Allah تعالى  , kaya Kanyang ginawang walang kabuluhan ang kanilang mga gawa.” (47:9)
Ang ika-anim: Ang sinuman ang kumutya sa anumang bagay na sumasaklaw sa relihiyon ng Propeta صلى الله عليه وسلم - maging sa paksa na nauukol sa mga gantimpala o kaparusahan - ay kanyang napawalang-bisa ang kanyang pagka-muslim.
Bilang katibayan, sinabi ng Allah   :

*قُلْ أَبِاللَّهِ وَآيَاتِهِ وَرَسُولِهِ كُنْتُمْ تَسْتَهْزِئُونَ)
(لَا تَعْتَذِرُوا قَدْ كَفَرْتُمْ بَعْدَ إِيمَانِكُمْ ۚ)
[سورة التوبة 65-66]
   Sa malapit nitong pakahulugan, “Sabihin mo sa kanila, "Inyo bang kinukutya ang Allahتعالى o ang Kanyang mga Aya-t (i.e. mga patunay, talata, palatandaan, kapahayagan, atbp. ) o ang Kanyang Propeta صلى الله عليه وسلم ? Huwag na kayo magdahilan pa, katunayan kayo ay nawalan ng pananampalataya pagkaraan ninyong manampalataya.".” (9:65-66)
Ang ika-pito: Ang pagsasanay ng mahika/karunungang-itim, kabilang na rito ang paggamit ng mga anting-anting, gayuma, atbp. Ang sinuman ang gumawa ng mga ito o sumang-ayon dito ay tuluyan na kanyang tinalikdan ang pananampalatayang Islam.
Bilang katibayan, sinabi ng Allah تـعالى :
( ۚ وَمَا يُعَلِّمَانِ مِنْ أَحَدٍ حَتَّىٰ يَقُولَا إِنَّمَا نَحْنُ فِتْنَةٌ فَلَا تَكْفُرْ )
[سورة البقرة 102]
   Sa malapit nitong pakahulugan, “Ngunit sila (si Harut at Marut na kabilang sa mga anghel na ipinanaog dito sa mundo para sa isang pagsubok ) ay hindi nagtuturo sa mga ng karunungang-itim hanggang sa sinasabi nila : “ Kami ay pagsubok lamang, kaya’t huwag kayong gumawa ng bagay na magiging sanhi ng kawalan ng inyong pananampalataya.” (2:102)
Ang ika-walo: Ang pagpanig at pagtulong sa mga di-sumasampalataya sa mga bagay na may kaukulan sa relihiyong Islam o laban sa mga muslim.
Bilang katibayan, sinabi ng Allah  تعالى :
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَتَّخِذُوا الْيَهُودَ وَالنَّصَارَىٰ أَوْلِيَاءَ ۘ بَعْضُهُمْ أَوْلِيَاءُ بَعْضٍ ۚ وَمَنْ يَتَوَلَّهُمْ مِنْكُمْ فَإِنَّهُ مِنْهُمْ ۗ إِنَّ اللَّهَ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الظَّالِمِينَ
[سورة المائدة 51]
   Sa malapit nitong kahulugan, “ O kayong mga sumasampalataya, huwag ninyong ituring ang mga hudyo at mga kristiyano bilang kaabay/katulong (awliya-‘ ), dahil sila ay nagtutulungan at katuwang ang bawat isa sa iisang layunin (i.e. sirain ang relihiyong Islam). Kaya kung sinuman na kanyang ituring sila bilang kanilang katuwang, katunayan siya ay kabilang na rin sa kanila.” (5:51)
At kanya ring sinabi:
فَإِنْ لَمْ يَسْتَجِيبُوا لَكَ فَاعْلَمْ أَنَّمَا يَتَّبِعُونَ أَهْوَاءَهُمْ ۚ وَمَنْ أَضَلُّ مِمَّنِ اتَّبَعَ هَوَاهُ بِغَيْرِ هُدًى مِنَ اللَّهِ ۚ إِنَّ اللَّهَ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الظَّالِمِينَ
[سورة القصص 50]
Sa malapit nitong pakahulugan: "At kapag hindi sila tumugon sa iyo bilang pagpapakita ng Aklat at katiyakang wala silang anumang  maipakikitang katibayan, dapat  mong  mabatid kung gayon na ang sinusunod lamang nila ay  ang kanilang sariling kagustuhan, at wala nang hihigit sa pagkaligaw  kaysa sa kanya na ang  sinusunod lamang ay  ang kanyang sariling kagustuhan na walang patnubay  mula sa  Allâh تعالى. Katiyakan, ang Allâh تعالى ay hindi Niya  ginagabayan sa  katotohanan ang  mga  taong  masasama  na lumalabag sa Kanyang kautusan at lumalampas  sa  hangganang Kanyang itinakda."

Ang ika-siyam: Ang sinumang naniniwala na may iilan sa mga tao na di-saklaw at hindi dapat na pumailalim sa batas ng Islam (shari’a) na ipinahayag kay Propeta   صلى الله عليه وسلم, tulad ng paglabas ni Khadir(خضر) sa batas ni Musa عليه السلام; ay kanyang napawalang-bisa ang kanyang pagka-muslim.
Bilang patunay, sinabi ng Allah تعالى :
(وَمَنْ يَبْتَغِ غَيْرَ الْإِسْلَامِ دِينًا فَلَنْ يُقْبَلَ مِنْهُ وَهُوَ فِي الْآخِرَةِ مِنَ الْخَاسِرِينَ)
[سورة آل عمران 85]
  Sa malapit nitong pakahulugan: " At sinuman ang  maghahangad  ng relihiyon maliban sa  relihiyong Islam, hindi ito tatanggapin  sa kanya  at sa  Kabilang-Buhay  ay mapapabilang sa  mga talunan, at wala silang mapapakinabangan na anuman sa kanilang mga mabubuting gawain." (3:85)
Ang ika-sampu: Ang pagtalikod papalayo mula sa relihiyong Islam sa pamamagitan ng hindi pag-aaral nito at di-pagsasagawa.
Bilang patunay, sinabi ng Allah تعالى  :
(وَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنْ ذُكِّرَ بِآيَاتِ رَبِّهِ ثُمَّ أَعْرَضَ عَنْهَا ۚ إِنَّا مِنَ الْمُجْرِمِينَ مُنْتَقِمُونَ)
[سورة السجدة 22]
  Sa malapit nitong pakahulugan, “ At wala nang mas hihigit pa sa pandaraya ng isang taong pinaalala sa kanya ang mga aya-t ng Allah تعالى at kanya lamang tatalikdan ang mga ito. Katunayan ang Allah تعالى ay may kakayahang ipararanas sa yaong mga kriminal/makasalanan ang masaklap na kaparusahan bilang ganti kailan man Kanyang nanaisin.” (32:22)
   Sa lahat ng mga nabanggit ay walang pagkakaiba ang isang nagbibiro o seryoso o nangangamba maliban na lamang sa yaong pinilit.
   At lahat ng mga ito ay napakamaselan at delikado. Gayunpaman ay madalas na nangyayari ang mga ito sa karamihan. Kung kaya nararapat sa mga muslim na maging maingat sa mga ganitong bagay at magkaroon ng sapat na kaalaman paukol sa kanilang relihiyon.
   Sa huli, tayo ay nagpapakupkop sa Allah تعالى mula sa mga dahilan ng Kanyang galit at tindi ng Kanyang kaparusahan.
At kabilang sa ika-apat na nagpapawalang bisa ng Islam: Ang sinuman na naniniwala na ang mga batas at patakaran ng pamahalaan ay tiyak na mas mainam kaysa sa batas ng Islam, o kaya naman ay pareho lang at walang pinagkaiba, o kaya naman ay naniniwala na ang mga ito ay maaaring isabatas kahit pa na kanyang pinaniniwalaan na ang batas Islamiko ay mas mainam, o kaya naman ay naniniwala na ang mga batas Islamiko ay hindî na bumabagay sa takbo ng kasalukuyang panahon, o kaya naman ay naniniwala na ang pagsasakatuparan ng mga batas Islamiko ay siyang sanhi ng pagka-iwan at pagkahuli ng mga mamamayang Muslim, o kaya naman ay naniniwala na ang mga batas Islamiko ay nararapat na ibuklod sa batas ng pamahalaan.
At gayundin ang paniniwala na ang pagsasabatas ng pagputol ng kamay sa isang magnanakaw o pagsasabatas ng stone-to-death para sa isang mangangalunya na ganap nang kasal, ang batas na ito ay hindi bagay sa kasalukuyang panahon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento